Monday, June 06, 2011

Dapit-Hapon

Dapit-Hapon




     Hunyo nanaman pala, katatapos lang ng mayo, ang bilis ng pag lubog ng araw. Baka naman bigla ko nalang mamalayan, mag-aasawa na pala ako. Malay natin bukas? Sa bawat pag-alis ng araw sa buhay, alam natin may bukas na mas maganda.. Pero hindi naman lahat nang pag lubog ng araw eh nagpapakita para sa atin ng kagandahan, minsan ayaw natin makita ang eksenang ito. Parang natatakot sa pagdating ng bukas, sa bagong hamon?  Basta ako, nakikita ko to? Mahirap, hindi ako handa para bukas o sa mga susunod na dapit-hapon ng buhay ko. Di ko alam, marahil isa lang ako sa mga tinatawag na taong maramdamin. --Anong masama? marunong din akong mahirapan, masaktan, at magmahal.
    
     Sana sa bawat pag gising natin, palagi nalang maliwanag, nakakasilaw. Di tulad pagsapit ng Dapit-Hapon -- tahimik, taimtim, nakaka-bagabag ng natutulog na damdamin. 





Friday, May 27, 2011

Biyernes

     Magandang, biyernes nanaman ata ang sumalubong sa akin pag gising, alam mo yun? yung mahangin, makulimlim at masarap mag emote. Dala ito ng bagyong Chedeng dahilan para magkaroon ng katamtamang panahon dito sa metro manila at sa mismong trabaho ko, wala masyadong kunsumisyon at hindi ako pressure ngayong araw, sana bukas ganito din para naman di ko na ituloy ang banta kong resignation sa kumpanyang ito -- naisip ko din na sayang kung magrere-sign lang ako dahil lang sa kunsumisyon at problemang kinahaharap ko araw-araw, nandiyan na ang Material Requirement Planning na kung saan kailangan kong tapusin with efficiency. Oras lang naman ang kailangan ko, ayoko magmadali pagdating sa mga sensitibong data na kailangan ko ma-encode ng tama. Kaya mahirap maging superhero na walang superpowers! Multi-tasking! yan ang nakakataranta sa mga oras na kakailanganin na ito ng nakakataas! Pero ayokong sirain din ang araw ko dahil sa mga ito. Habang ako ay naglalakad pauwi napansin kong katamtaman parin ang panahon. --masarap gumala? pero nakakapagod na kasi galing pa ako sa trabaho at kailagan ko pang magpahinga ng maaga para bukas. Meron akong maikling tula :


"Hangin lang pala ang makakapag dala ng puot,
hindi lahat kailangang maging masalimuot.
Ngiti, tawa o halakhak,
yan ang tangi kong lakas at hawak.
Masarap gumising kasama ang hamog,
dahil ito ng sariwang gamot.
problema man palaging andiyan,
marahil ako'y sinubok lamang..
Saya ang tunay na kailagan,
sa panahong lungkot ika'y nadaanan."



Monday, May 23, 2011

Misteryo: Buhay

Misteryo ba talaga para sa ilan ang buhay? Marami na akong nakasama sa aking buhay, -- kaibigan, katrabaho, mga taong nakakasalubong sa daan, lahat sila nakasama ko? Ibig kong sabihin eh, may "parte" sila sa buhay ko, masarap din kasi mag people watching sa mga malls, sa mga lansangan, at minsan gusto ko sila kuhaan ng photo gamit ang nagluluma kong cellphone. Indikasyon kaya ito na mahilig ako sa mga larawan ng mga tao? Larawan na nagpapakita ng mga expressive emotions, -eto kasi yung mga photo shots na kung saan super malakas magbigay ng meaning, maaring hindi para sayo, pero para sa akin. Gaano kaya ka-misteryoso ang buhay ng isang tao sa mundo? Nasusukat ba ito kung siya ay maraming pera? o di naman kaya mahirap lang siya pero naroroon at nakikipaghumapayan sa saya? May mga larawan akong nakikita sa isip ko na hindi ko kayang kuhaan sa tunay na buhay, magulo eh. Parang ang dami kong dapat mapakitang larawan...

Saturday, May 21, 2011

Ala ala!

Naalala ko yung mga edited photos ko, sa lahat eto talaga yung pinaka gusto ko, dahil sobrang baliw ako sa online games kaya naisipan ko mag edit at gumawa ng tila spoof ng Imortal sa ABS CBN. Nakakatuwa kasing isipin na yung online game na nilalaro ko eh, magagwan ko pa ng ganito.... Sino ba kasing di mababaliw sa RAN Online? :) masaya mag edit ng photos kapag nasa "mood" ka. Yung madami kang ideas na gustong gusto mo ma portray nung photo.

Friday, May 20, 2011

Surf SAFE!

Are you surfing SAFE?
Internet surfing is our daily habit, even some of us don't have personal computers at home, Filipinos tend to be more conscious on internet world, as Friendster invades Philippines later 1980's?-don't even know the exact date when Friendster crashed here in Philippines. That time malicious viruses are written to ''self-download'' on victims' computer without being notice by the user. And of course even now that Facebook was introduced late 2000? (sorry for this! hahaha i forgot!!! but i am sure about Friendster and Facebook thing.) These social networking sites are capable of posting extension links made by it's own user, of course we can post anything we want on these sites. Unknown persons, or robots posts links somewhere in the internet universe to mislead the victim that the link is a site where you can download softwares for free! and you are amazed! and you download anything you want without ANTIVIRUS protection on your computer system! Softwares that might you download will pop-up strange messages that your computer is infected and you need to purchase the full version! this is malware! Malwares-a malicious software. Are also eventually uploaded on the internet to mislead people about it's true agenda, to hijack the data on your computer-- bank accounts, important files, passwords, online payments will be collected without your consent. Because this was happened to me last time I downloaded a key generator to "hack" my product key about photoshop the softwares install trojan viruses on my computer system, that makes my whole security system turned-off by this virus! how can I get rid off this virus if my antivirus was strangely turned off by this crap?.

Facebook : Share and Comment!